1. Instrumental- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
Halimbawa: liham pangangalakal
2. Regulatoryo- Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
Halimbawa: Direksyon sa pagtuturo ng lokasyon.
3. Interaksiyonal- Saklaw ng tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipag-biruan; pakikipagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa partikular na isyu; pagkukuwento ng malungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob, paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa.
4. Personal- Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon, kuru-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo panitikan.
5. Heuristiko- Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan;pakikinig sa radyo; panonood ng telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan nakakuha tayo ng impormasyon.
6. Impormatibo- Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis, panayam, at pagtuturo.
Mga Paraan ng Wika
1. Pagpapahayag ng Damdamin( Emotive)- Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin,at emosyon.
2. Panghihikayat(Conative)- Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag -utos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan( Phatic)- ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4.Paggamit bilang sanggunian( Referential)- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormsyon.
5. Paggamit ng kuru-kuro( Metalingual)- Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6.Patalinghaga( Poetic)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.